--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police Station na mayroon na silang nasampahan ng kaso kaugnay sa panloloob sa isang groserya sa barangay district one, Cauayan City

Magugunita na noong araw ng Lunes ay natuklasan na nilooban ang Talavera Junior at natangay ang P/366,000.00 cash.

Ipinahayag ni Supt. Paragas na mayroong 4 na kalalakihan ang sinampahan na ng kasong robbery makaraang tukuyin ng guwardiya ng nasabing bahay kalakal at tsuper ng tricycle na pinagsabihan ng mga suspek ng kanilang ginawang panloloob.

Nakakatiyak ang pulisya na ang mga nasabing kalalakihan ang may kagagawan sa panloloob dahil batay sa kanilang nakuhang impormasyon ang mga pinaghihinalaan ay sangkot sa mga nagaganap na pagnanakaw sa Isabela.

--Ads--

Positibo ring itinuro ng tsuper ng tricycle ang apat na suspek makaraang itinuro sa rogues gallery ng mga may kaso ng pagnanakaw sa Isabela.

Inatasan na rin ng hepe ng pulisya ang mga tauhan na dalasan ang pagsusuri sa mga drainage canal sa Lunsod upang maagapan ang mga tangkang pagnanakaw sa pamamagitan ng Tunneling.