--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawang opisyal ng barangay ang patay sa naganap magkasunod na pamamaril sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni P/Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven Police Station ang biktima na si Barangay Kagawad Crisanto Aranda ng Rizal, Naguillian, Isabela, 45 anyos, may-asawa.

Bukod sa pagiging barangay kagawad ay isang magsasaka ang biktima.

Inihayag ni Senior Inspector Bumanglag na nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagsisiyasat ukol sa nasabing pamamaril.

--Ads--

Patay naman si Punong-Barangay Elpidio Pagallaman ng Calamagui, San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang biktima ay galing sa bayan ng Cabagan pauwi na sa San Pablo , sakay ng kanyang motorsisklo nang pinagbabaril ng di pa matukoy na mga suspek na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan.

Si Kapitan Pagallaman ay isang drug surrenderee sa nasabing bayan.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa motibo pagbaril at pagpatay sa dalawang opisyal ng barangay sa Isabela.