--Ads--

CAUAYAN CITY- Muling binigyang diin ni Atty. Noel Manuel Lopez, Provincial Administrator ng Isabela ang kahalagahan ang pagkamagalang at kilalanin ang dapat na kilalanin na tumutulong sa mga mag-aaral lalo na ang kanilang mga magulang.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Lopez sa kanyang pagsasalita sa harapan ng mahigit isang libong academic schoolars sa ilalim ng Bogie-Rodito Opportunities for education na tumanggap ng kanilang allowances bilang mga academic schoolars mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Ang pagpapahalaga ng paggalang at pagtanaw ng utang na loob ay dapat ipakita ng mga mag-aaral lalo na bukas na Father’s Day.

Hinamon ni Lopez ang mahigit isang libong mga mag-aaral na ipakita sa kanya ang text message kung mayroon mang nagmensahe na sa kanilang mga tatay para sa Fathers Day celebration bukas.

--Ads--

Isa lamang ang tumayong mag-aaral ang nagpakita ng kanyang mensahe sa kanyang ama.

Nag-iisa ang 18 anyos na mag-aaral mula sa mahigit 1,000 ang nagpadala na ng mensahe sa kanyang ama na binasa ni Atty. Lopez sa harapan ng mga mag-aaral.

Natuwa si Atty. Lopez sa mensahe ng mag-aaral sa kanyang ama kaya’t biniyang ng P/5,000.00 cash.

Matapos ang programa ay nilapitan ng Bombo Radyo Cauayan ang mag-aaral na nagbigay ng mensahe sa kanyang ama at dito natuklasang isa siyang produkto ng broken family.

Anya nagpapasalamat pa rin siya sa kanyang ama na sa kabila na mayroon nang ibang pamilya ay nakapagbibigay pa rin ng kanyang allowance sa pag-aaral.

Sinabi ng mag-aaral na galing sa kaibuturan ng kanyang puso ang mga mensaheng ipinarating sa kanyang ama.