CAUAYAN CITY – Umaabot na sa 23 ang bilang ng mga maituturing na Death Under Investigation ( DUI ) sa Isabela mula noong June 9, 2017 hanggang kasalukuyan.
Ang tinawag na Death Under Investigation ng pulisya ay ang mga nabaril at napatay na hindi pa malaman kung ano ang motibo at di pa matukoy kung sino ang may kagagawan sa pagpatay.
Sa official list na ibinigay ng Isabela Police Provincial Office ( IPPO ) sa Bombo Radyo Cauayan na mayroong tig-iisang Death Under Investigation ang mga himpilan ng pulisya sa mga bayan ng Mallig, Roxas, Echague, San Mateo, Alicia, Tumauini, Cordon, Reina Mercedes, Cauayan City, Benito Soliven, Aurora, San Pablo at San Guillermo.
Mayroon namang tig-dalawang Death Under Investigation ang mga himpilan ng pulisya sa mga bayan ng Burgos, San Manuel, San Mariano at Cabagan.
Sa kabuoan ay umaabot sa dalawamput tatlo ang Death Under Investigation o DUI sa Isabela.
Ang mga himpilan ng pulisya na may naitalang Death During Police Operation ay ang Ilagan Police Station na may naitalang apat habang dalawa naman ang Reina Mercedes Police Station.




