CAUAYAN CITY- Muling nagbabala ang pamunuan ng Police Regional Office number 2 ( PRO 2) hinggil sa mga mga kumakalat na fixer kaugnay sa recruitment ng PNP sa kanilang hanay.
Ginagawa ni P/Supt. Chivalier Iringan, Public Information Officer ng PRO2 ang babala makaraang mayroong madakip na isang negosyante sa lalawigan ng Cagayan na pineperahan ang aplikante sa mga papasok ng pulisya.
Anya noong nakaraang martes ay dumulog sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group ang police applicant na si Sherwin Delires, 27 anyos, tubong Aparri, Cagayan at inireklamo si Marcelo Relos, 35 anyos na residente ng Tuguegarao City.
Batay sa reklamo ng police applicant siya ay hinikayat na papasok bilang kasapi ng pulisya subalit siya hinigian ng pera ni Relos .
Nagsagawa anya ng entrapment operation ang mga otoridad sanhi para madakip si Relos.
Nanawagan ang pamunuan ng PRO2 sa mga aplikante na mag-ingat sa mga fixer at isumbong sa kanilang himpilan ang nagsasagawa nito.
Nanawagan ang PRO2 sa mga police applicant ay makipag-ugnayan mismo sa kanilang regional personnel Division kung saan malalaman ang mga requirements sa pagpasok ng pagiging kasapi ng pulisya.
Kanyang nilinaw na libre o walang babayaran sa pagpasa ng requirements.




