CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng pamunuan ng Police Regional Office number 2 na mayroong palakasan o padrino system sa pagkuha ng mga aplikanteng nagnanais pumasok bilang kasapi ng PNP.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Chivalier Iringan, Public Information Officer ng PRO2 na ang pagpili sa pagiging the best PO1 ay batay sa merit, physical and mental fitness.
Nangangahulugan lamang na walang palakasan sa pagkuha ng mga pulis sa lambak ng Cagayan.
Nilinaw din ni Supt. Iringan na walang merito ang pag-endorso ng mga matataas na pinuno ng pamahalaan tulad ng gobernador at mayor.
Anya kahit na-endorso ng mga opisyal ng gobyerno kung hindi naman kakayanin ang pagsasanay o mayroong sakit ay maituturing ng bagsak sa physical fitness.




