CAUAYAN CITY- Puntirya ng pamunuan ng Presidential Communication Operations Office na umabot sa dalawang daang libong kopya ng pahayagan ng pamahalaan ang maipapakalat kada buwan sa buong bansa.
Ito ang kinumpirma ni Communications Sec. Martin Andanar kaugnay sa sirkulasyon ng pahayagan ng pamahalaan na pinamagatang Mula sa Masa para sa Masa.
Ayon kay PCOO Sec. Andanar, nasimulan na noong nakaraang taon pa ang sirkulasyon ng naturang pahayagan subalit nasa dalawampung libong kopya lamang ang naiimprenta.
Aniya, gumagawa na sila ng pamamaraan upang mas maparami pa ang maipakalat na kopya sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Maalala na una nang inilunsad ang pahayagan kasabay ng unang limapung araw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Laman ng naturang peryodiko ang mga ulat tungkol sa mga programa ng Pangulo at ng buong pamahalaan.
Libre itong makukuha ng publiko sa mga itinalagang lugar ng pamahalaan




