--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis na hinanakit ang nadarama ni Omar Abaga, naninirahan sa Ilagan City sa kanyang kapangalan na si Omar Maute, isa sa mga lider ng Maute Terror Group na lumusob at umuukopa sa ilang bahagi ng lunsod ng Marawi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Omar Abaga, kanyang sinabi na maaring mapatawad rin nila ang mga terorista subalit hindi maalis ang kanilang hinanakit.

Aniya, ito ay dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nila nililisan ang bayan na kanilang sinilangan.

Ayon pa kay Abaga, hindi nila papayagan na ang Maute Group ang maghari-harian sa kanilang lugar dahil kung iba man ang kanilang interpretasyon sa Sha-ria Law ay dapat din na igalang ang mga paniniwala ng mga Shiite Muslim

--Ads--

Idinagdag pa niya, ang Maute Group ay isinusulong umano ang paniwalang ekstremista at naniniwala siyang hindi makatwiran ang ginagawa ng mga ito.