--Ads--

5 tao sugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang 5 tao sa banggaan ng isang motorsiklo at tricycle sa Purok 6, San Fermin, Cauayan City.

Ang motorsiklo ay minamaneho ni Kelvin Deo Acob, 24 anyos, binata, kawani ng isang bangko at residente ng Luna, Isabela habang ang tricycle ay minamaneho ni Roberto Vergara, 39 anyos, may-asawa at residente ng San Fermin, Cauayan City.

Sa paunang imbestigasyon ng Cauayan City Police Station ang motorsiklo na minamaneho ni Acob ay patungo sa Luna, Isabela habang ang tricycle ni Vergara ay patungo sa Poblacion Area nang maganap ang banggaan.

--Ads--

Bigla umanong lumiko pakaliwa ang tricycle na minamaneho ni Vergara dahilan upang aksidente itong mabangga ni Acob.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang angkas ni Acob na si Keisha Rosalinda Puwig, 24 anyos, dalaga at residente ng District 3, Lunsod ng Cauayan.

Maliban kay Puwig ay nasugatan din ang dalawang tsuper at pasahero ni Vergara na sina Rosalinda Cabigting,16 anyos, at Marilou Cabigting, 24 anyos na residente ng Cauayan City.

Agad naman na tumugon ang Rescue 922 at dinala sa pagamutan ang mga nasugatan.