--Ads--

CAUAYAN CITY- Pitung katao na kinabibilangan ng tatlong babae ang dinakip ng mga kasapi ng Benito Soliven Police Station dahil sa pagsusugal.

Dinakip sa Purok Uno, Barangay District one, Benito Soliven ang tatlong babae na naaktuhang nagsusugal ng tong-it .

Ang mga nadakip na nagsusugal ay itinago sa mga pangalawang Eva, Myla at Emily , pawang nasa tamang edad at residente ng nasabing lugar.

Nauna rito, isang concerned citizen ang tumawag sa himpilan ng pulisya at isinumbong na ginagawang sugalan ng tong-it ang likurang bahagi ng Barangay Hall ng District 1.

--Ads--

Dinakip ng mga pulis ang tatlong babae at nasamsam ang kanilang taya na umaabot sa P/345.00 at isang set ng baraha na ginagamit sa sugal.

Samanatalang sa Purok 6, Yeban Sur, Benito Soliven Isabela nadakip naman ang apat na lalaking nasusugal ng pusoy.

Ang dinakip ay sina Elmer Reyes, Henry Placido, Tranquilino Rosete at isang Tony.

P/1,625.00 na taya ng mga kalalakihan ang nasamsam ng mga pulis kasama na ang isang set ng baraha.

Ang mga pitung nadakip dahil sa pagsusugal ay dinala sa himpilan ng pulisya at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila.