CAUAYAN CITY- Nakikipag-ugnayan na ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa Aurora Police Station kaugnay sa napatay na newly identified drug personality sa drug buy bust operation ng pulisya.
Nauna nang napaulat na ang napatay na si Arvin Urbano ay residente ng barangay Guwayabal,Cauayan City ngunit nakapag-asawa lamang ng taga Guyabal at siya ay residente ng Aurora, Isabela.
Aalamin ng pulisya kung si Urbano ay sangkot sa illegal na droga sa bayan ng Aurora,
Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station na si Urbano ay nakatakdang magdeliver ng illegal na droga kaya nagsagawa ng operasyon ang mga pulis.
Isang pulis ang umaktong poseur/buyer ngunit nakatunog umano si Urbano na pulis ang kanyang katransakyon kaya bumunot ng baril at pinaputukan nang ilang beses ang pulis na isang intelligence officer.
Tinamaan sa tiyan ang nasabing pulis at tinamaan ng bala ng baril sa tiyan ngunit nakasuot ng bullet proof vest kaya minor injury lamang ang kanyang natamo.
Nakaganti rin agad ang mga pulis at pinaputukan ang suspek na nagtamo ng 3 tama ng bala ng baril sa kanyang katawan kabila na ang isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Narekober sa pinangyarihan ng barilan ang 2 plastic sachet na hinihinalang shabu, P/500.00 marked money, isang Cal. 38 baril na may tatlong bala, isang cellphone at isang motorsiklo na walang plaka.
Isinailalaim sa parafin test ang bangkay ng suspek upang mapatunayan na nanlaban at nagpaputok ng baril.




