--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsasagawa na ng masusing pagsisiyasat ang mga kasapi ng Gamu Police Station katuwang ang Scene if the Crime operatives ( SOCO) sa pagbaril at patpatay ng isang sundalo sa kanyang kapwa sundalo sa loob ng Camp Mechor Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela

Ang biktima ay si Sergeant Ronald Oriero, 34 anyos, may-asawa, residente ng Minagbag, Quezon, Isabela habang ang suspek ay si Master Sergeant Romulo Sanglay, nasa tamang edad, may-asawa at residente ng Nassiping, Gattaran, Cagayan.

Sa Nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Supt. Ronald Laggui,  information officer ng Isabela Police Provincial Office, mayroon nang dating alitan ang dalawang sundalo at nagkaroon pag-aaway hanggang barilin ng maraming beses ni Sanglay si Oriero na sanhi ng kanyang kamatayan.