CAUAYAN CITY – Lumaban sa mga otoridad ang gurong napatay ng pinagsanib na puwersa ng Solano Police Station, Provincial Drug Enforcement at Phil. Drug Enforcement Agency sa isinagawang drug buy bust operation sa Curifang, Solano, Nueva Vizcaya.
Ang suspek na guro ay si Rogelio Andres, 45 anyos, isang guro ng paaralang sekondarya sa Solano, residente ng Quezon, Solano, Nueva Vizcaya
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Novelyn Aggasid, Deputy Chief of Police ng Solano Police Station na maituturing na high value target ang nasabing guro sa kategoryang user/pusher
Anya, sumuko noong Hulyo, 2016 sa himpilan ng pulisya si Andres ngunit napag-alaman ng mga otoridad na hindi tumigil sa kanyang operasyon.
Nagsagawa ng drug bust bust operation ng mga otoridad sa Barangay Curifang, Solano, Nueva Vizcaya subalit nakatunog ang suspek na ahente ng PDEA ang babaeng ka-transaksyon kaya agad na bumunot ng baril at pinutukan ang ahente ngunit agad na nakatakbo at nakaganti ang mga pulis.
Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril ang suspek na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Narecover ng mga otoridad sa pinaghihinalaan ang isang , isang sachet ng hinihinalang shabu , isang Ca. 38 baril mayroong apat na bala at P/500.00 cash.
Hindi na ipina-autopsy ng pamilya ng biktima ang bangkay ng guro at iniuwi na sa kanilang tahanan.




