--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay makaraang makuryente ang isang binata habang nagtatrabaho sa construction site sa isang gasolinahan sa Magsaysay, Naguillian,Isabela

Ang biktima ay si Menard Lambinicio, 19 anyos, isang laborer at residente ng nasabing lugar.

Ang biktima ay naatasang kumuha ng kawad ng kuryente para sa kanilang isasagawang pag-alis ng tubig sa kanal na kanilang hinuhukay.

Ngunit hindi sinasadyang ang nakuhang kawad ng kuryente ay mayroong open wiring na nagsanhi para bigla na lamang makuryente at bumulagta ang biktima.

--Ads--

Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.