--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ni Administrative Division Officer Manuel Baricaua ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 na hindi pa maipatutupad sa rehiyon dos ang Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act ( ADDA).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ipinaliwanag ni Mr. Baricaua na kailangan pang sumailalim sa orientation ang mga enforcers ng LTO at Philippine National Police (PNP) na idedeputize na manghuli sa mga lalabag sa nasabing batas.

Ayon kay Mr. Baricaua, nagkaroon mg rebisyon sa Implenting Rules and Regulation (IRR) kaya kailangan munang i-orient ang mga enforcerspara sa pagpapatupad sa bagong batas.

Aniya, kailangan matiyak na may sapat na kaalaman ang mga enforcers upang hindi magkaroon ng aberya sa pagpapatupad sa ADDA.

--Ads--

Kapag natapos ang orientation ng mga enforcers ay agad ipatutupad sa buong rehiyon ang Anti-Distracted Driving Act.