--Ads--

CAUAYAN CITY- Balak ni Sangguniang Bayan Member Eddie Mayor na maghain ng resolusyon para bigyan ng komendasyon o pagkilala ang mga kasapi ng BFP at San Agustin Police Station na mabilis na tumugon sa sunog na sumiklab sa isang gasolinahan sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni SB Member Mayor na bago alas sais kaninang umaga nang madaanan niya ang sumiklab na sunog sa isang gasolinahan na pag-aari ni James Pobre.

Nasagi ng isang truck ang isang aparato ng gasolinahan na sanhi ng pagsiklab ng apoy na umabot sa anim na metro ang taas.

Dahil sa agad na pagtugon ng mga kagawad BFP at mga pulis ay agad na naapula ang apoy.

--Ads--