CAUAYAN CITY – Umabot na sa 1,405 ang naitalang kaso ng animal bite sa Isabela mula noong Enero hanggang June 15, 2017.
Batay sa ipinalabas ng Provincial Veterenary Office na mga datus, ang bayan ng Echague ay mayroon nang naitalang kaso ng animal bite na 292, pumapangalawa ang Tumauini na mayroong 176, Ilagan City na may 175, Jones na may 132, Cauayan City na 160, Cabagan na mayroong 10, Roxas na may 100, San Agustin na 70, Angadanan na 68 at Gamu na mayroong 63 kaso ng animal bite case.
Sa kabuoang ay mayroong 1,405 kaso at karamihan ng mga naitalang animal bite cases ay kagat ng mga kaso.
Ayon kay Dr. Angelo Naui, Provincial Veterenarian ng Isabela , lumalabas sa kanilang datus na bumaba naman ang initial findings sa mga kaso ng namatay dahil sa rabies .
Upang lalo pang mapababa ang bilang ng mga namamatay dahil sa animal bite ay ang massive dog vaccination laban sa rabies, malawakang kampanyang pangkaalaman at pagsusulong sa responsible pet ownership.
Isinasagawa rin nila ang upgrading ng animal bite center at paglalagay pa ng mga animal bite treatment.




