CAUAYAN CITY- Patay ang isang magsasaka makaraang barilin sa Quezon, Isabela.
Ang biktima ay si Benjie Ruiz, 56 anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Abot,Quezon, Isabela.
sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang biktima kasama ang maybahay na si Gng. Elizabeth Ruiz ay kasalukuyang kumakain ng maagang tanghalian sa kanilang kubo nang dumating ang suspek.
Ang suspek ay sakay ng itim na honda XRM, nakasuot ng bullcup, nakasalamin at nakasuot ng itim na shortpant.
Biglang huminto ang motorsiklo 300 metro ang layo mula sa kinaroroonan mag-asawa.
Naglakad ang suspek patungo sa kinaroroonan ng mag-asawa at binaril ang biktima ng maraming beses na nagsanhi ng agarang nitong kamatayan.
Agad tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo patungong hilagang direksiyon.




