--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumakabilang na  ang conjoined twins na magkadikit ang tiyan sanhi ng kanilang lagnat at magkaroon ng seizure.

Ang kambal na pinangalanang Princess Miracle at Precious Miracle ay mayroon ding iisang puwit at ari nang isilang noong March 15, 2017 sa Southern Isabela General Hospital (SIGH) sa Santiago City.

Mag-aapat na buwan ang conjoined twins sa July 15, 2017 na ipinanganak ni Ginang Rochelle Laverinto ng Salay, San Agustin, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng tatay ng kambal na si Ginoong Redento Laverinto na kagabi ay nagkaroon ng lagnat at convulsion ang conjoined twins.

--Ads--

Dadalhin sana nila sa doktor kaninang umaga ang mga sanggol ngunit naglaba sandali ang kanilang ina at nang tingnan niya ang mga anak ay patay na sila.

Sinabi naman ni Barangay Kagawad Jean Aguinaldo ng Salay, San Agustin, Isabela na tumutulong sa mag-asawang Laverinto na noong buwan ng Marso, ilang araw matapos isnilang ang kambal ay dinala sila sa Chinese General Hospital sa Maynila sa tulong ng mga mapagkawang gawang organisasyon.

Tumagal sila sa nasabing ospital ng halos 3  linggo at isinailalim sa maraming medical examination.

Ayon kay Kagawad Aguinaldo, iniuwi noong Abril ang kambal sa kanilang bahay sa Salay, San Agustin dahil dadalhin sila sa Taiwan para paghiwalayin kapag mayroon na silang anim na buwan.

Mula nang iuwi ang mga conjoined twins ay madalas silang magkaroon ng lagnat kaya dinadala sila sa doktor.

Nagkakaroon umano sila ng infection dahil iisa ang kanilang internal organs.