CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng Ramon Police Station sa pagkakatagpo ng bangkay ng isang babae sa kanilang nasasakupan.
Ang biktima ay si Maritess Manuel, 44 anyos, residente ng Rizaluna, Cordon, Isabela ngunit miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa General Aguinaldo, Ramon, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Genesis Cabacungan, hepe ng Ramon Police Station, patuloy ang kanilang pangangalap ng mga impormasyon upang matukoy ang motibo ng pagpatay sa biktima.
Una rito ay inihatid umano ng kanyang anak si Manuel sa General Aguinaldo para dumalo sa meeting ng mga 4P’s beneficiary ngunit pinauna ng biktima na pauwiin ang kanyang anak sa kanilang bahay sa kadahilanang may pupuntahan pa umano ito ngunit hindi na naka-uwi pa sa kanilang bahay ang biktima.
Ayon sa anak ng biktima, may ka-textmate at katawag ang kanyang ina ngunit kung kanyang tinatanong ay hindi sumasagot ang kanyang ina.
Batay sa post-mortem examination sa bangkay ni Manuel ay nagtamo siya ng sugat sa kanyang ulo na sanhi ng kanyang kamatayan habang natagpuan naman ang isang kahoy sa pinangyarihan ng pamamaslang na pinaniniwalang ginamit na pamalo sa ulo nito




