--Ads--

CAUAYAN CITY – Binawian na ng buhay ang isang lolo matapos suntukin ng isang dating barangay kapitan ng Barangay Villa Bello, Jones, Isabela

Ang biktima ay si Jahani Arreola, 46 anyos, isang magsasaka habang ang pinaghihinalaan ay si dating punong barangay Nilo Malsezo, 54 anyos at kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Senior Insp. Pablo Tumbali, deputy chief of police ng Jones Police Station, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na pinasok ng dating punong barangay ang lasing na biktima sa loob ng kanyang bahay at biglang sinuntok ng dalawang beses sa ulo hanggang sa matumba.

Kinaumagahan ay inakala ng kanyang pamilya na natutulog lamang dahil sa kalasingan subalit nang isugod sa pagamutan ay idineklara ng attending physician na wala nang buhay.

--Ads--

Hinihintay na lamang ng pulisya ang resulta ng pagsusuri sa tunay na ikinamatay ng biktima.

Hindi pa naghaharap ang magkabilang panig sa himpilan ng pulisya at kung hindi makikipag-areglo ang dating kapitan ay desidido silang ituloy ang pagsasampa ng kasong homicide laban sa kanya.