CAUAYAN CITY – Nadakip na ng mga otoridad sa Alfonso Lista ang isang magsasaka na most wanted person sa Ifugao.
Ang akusado ay si Dante Francisco, 43 anyos, walang asawa at residente ng Santa Maria,Alfonso Lista, Ifugao.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Alfonso Lista Police Station, nag-ugat ang kaso ni Francisco noong 2005 dahil sa panggagahasa sa isang menor de edad na pinatay niya matapos gahasain.
Dahil dito sinampahan siya noon ng kasong rape with homicide sa Regional Trial Court sa Ifugao.
Gayunman matagal siyang nagtago sa mga alagad ng batas hanggang sa mamataan sa nasabing lugar at isinilbi ang kanyang warrant of arrest .
Ang akusado ay nasa pangangalaga na ng Bureau of Jail Management and Penology sa Alfonso Lista dahil walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.




