CAUAYAN CITY- Patay ang isang 8 anyos na bata makaraang magkarambola ang tatlong motorsiklo at isang tricycle sa barangay Lulutan, Ilagan City.
Ang unang motorsiklo na sangkot sa aksidente ay minamaneho ni Chrstopher Tabiago, isang sundalo at kaangkas ang 8 anyos na anak na si Maria Kassandra Tabiago.
Ang pangalawang motorsiklo ay minamaneho ni Hermie Agor ng barangay Cabanungan First, Ilagan City habang ang pangatlong motorsiklo ay minamaneho ni Jollymar Neyra ng Naguilian Norte, Ilagan City at ang tricycle ay minamaneho ni Edilberto Talatto ng barangay Lulutan, Ilagan City .
Ang tricycle na minamaneho ni Talatto ay patungong south direksiyon at sinusundan ng 2 motorsiklo kung saan nakasalubong ang motorsiklong sinasakyan ng sundalo.
Umagaw umano ng linya ang motorsiklong minamaneho ni Tabiago kung kayat nabangga niya ang ng tricycle na minamaneho ni Talattao na sanhi para bumangga rin ang mga sumunod na mga motorsiklo.
Tumilapon ang backrider ng sundalo na kanyang anak na si Maria Kassandra Tabiago, na isang Grade-3 pupil na sanhi para bawian ng buhay ang bata.
Sugatan ang mga sakay ng minamanehong motorsiklo ni Agor na sina Jamaica Agor at Marilou Fontanilla ng Cabanungan First, Ilagan City at ang sakay ng tricycle ay sina Jomar Pardela ng Barangay Lulutan, Lunsod ng Ilagan.
Sinundo ng sundalo ang kanyang anak at ihahatid sana sa kanyang biyenan nang maganap ang aksidente.




