--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala si ANAC-IP Partylist Representative Jose “Bentot” Panganiban Jr. na kahirapan ang dahilan ng nagaganap ngayon na crisis sa Marawi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Kinatawan Panganiban na kung susuriin ang lalawigan ng Lanao Del Sur kung saan sakop ang Marawi City ay ang pinakamahirap na probinsiya sa bansa.

Sinabi ni Panganiban na marapat lamang na pag-isipan ng pamahalaan kung anong tulong ang maibibigay sa mga mamamayan ng Lanao Del Sur upang mai-angat ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Dapat anyang pag-aralan kung bakit mahirap ang pamumuhay sa nasabing lugar at magpasa ng batas upang matulungan sila.

--Ads--

Sa pamahalaang lokal pa lamang anya ay mayroon nang mali na dapat pag-aralan.

Samantala, si Cong. Panganiban ay bomoto ng yes para sa 5 buwang extension ng Martial Law sa Mindanao.

Anya, naniniwala siyang may rebelyon na nagaganap ngayon sa Marawi City dahil balak ng Maute Terror Group na magtayo ng sariling teritoryo doon.

Ang kinakatakutan din niya ay baka kumalat pa ang kaguluhan sa iba pang bahagi ng Mindanao kapag hindi nalipol ang Maute Terror Group.