--Ads--
CAUAYAN CITY- Patay ang isang binatang lasing at nambubulahaw sa Alfonso Lista, Ifugao makaraang lumaban sa mga alagad ng batas na tumugon
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang biktima ay si Orly Zalazar, 22 anyos at residente ng Santa Maria, Alfonso Lista, Ifugao.
Nauna rito ay nakatanggap ng sumbong mula sa mga concerned Citizen ang Alfonso Lista Police Station na mayroong lasing na lalaking sakay ng motorsiklo na pabalik balik at nambubulahaw.
Agad na tumugon ang mga pulis ngunit nang makarating sa lugar ay lumaban ang biktima sa mga alagad ng batas.
--Ads--
Nabaril umano nina PO1 Michael Dumilong at PO1 Murphy Ivasco ang binata na sanhi ng kanyang kamatayan,
Dinisarmahan na rin ang dalawang pulis at isasailalim sila sa imbestigasyon




