--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang dalawang estudyante makaraang makipagbanggan ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na isang ambulansiya sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Barangay Bantug, Roxas, Isabela.

Ang nagmaneho ng ambulansiyang may plakang SSA 2485 ay si Novelito Quebral, apatnapung taong gulang, isang kawani ng Local Government Unit ng Burgos, Isabela.

Ang sugatang mga mag-aaral ay ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Eriel Galiza, 14 anyos, Grade- 9 at ang backrider na si Rafael Ramiscal, 15 anyos, Grade-10 , kapwa residente ng Bantug, Roxas, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Roxas Police Station na ang ambulansiya na minamaneho ni Quebral ay nagtangkang mag-overtake at maging ang kasalubong na motorsiklong sinasakyan ng mga biktima ay nagtangka ring mag-overtake sanhi para magkaroon ng head on collision.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang mag-aaral at si Ginoong Quebral, gamit ang minamanehong ambulansiya ang nagdala sa Manuel Roxas District Hospital ng dalawang biktima.