--Ads--

CAUAYAN CITY- Namatay na isang lalaki matapos umanong manlaban sa drug buy bust operation sa barangay Nagcampegan, Cauayan City.

Ang nasawi ay si Edwin Mabalot na residente ng District 2, Benito Soliven, Isabela.

Habang isinasagawa ang transakyon ay nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya pinaputukan niyo ito ng baril.

Nakaganti naman ang pulis na nagpanggap na poseur buyer kaya napatay si Mabalot.

--Ads--

Nakumpiska mula kay Mabalot ang isang sachet ng hinihinalang shabu, P1,000.00 marked money at Cal 38 baril.

Samantala, nadakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang isang lalaki na nakatala sa drug watchlist sa unang distrito ng Isabela.

Kinilala ang suspek na si Max Viñega, isang driver mechanic at residente ng Santa Tumauini, Isabela.

Nadakip sa drug buy bust operation ang suspek at nasamsam sa kanyang direktang pag-iingat ang dalawang sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

Si Viñega ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ( comprehensive dangerous drugs act of 2002)