--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ang tatlong kabataan na pawang mag-aaral matapos batuhin ang isang pampasaherong bus sa pambansang lansangan na sakop ng barangay Alibagu, Ilagan City.

Ang mga suspek ay sina Marvin Domingo,19 anyos, residente ng capitol Hills, Ilagan City, Endal Sales, 19 anyos at Kyro, 17 anyos na kapwa residente ng Baculod, Ilagan City.

Naglalakad lamang umano ang tatlong kabataan nang batuhin ang isang Victory Liner bus na patungo sa hilagang direksyon.

Bagamat walang nasaktan na pasahero ay nagtamo naman ng pinsala sa harapang bahagi ng naturang bus.

--Ads--