--Ads--

CAUAYAN CITY- Naiuwi na ang tatlong labi na nasawi sa tumaob na bangka sa Brgy. Didadungan Palanan noong biyernes dito sa Cauayan City.

Mula sa Palanan Isabela ibiniyahe ng Search and rescue group ng Philippine Airforce mula sa Villamor Airbase ang tatlong bangkay nina Mylene Silva na residente ng Bataan Province, Joel Tuppil at Dimasalang Valenzuela na kapwa residente ng Cauayan City.

Sinikap ng bombo radyo cauayan na kuhanan ng pahayag ang pamilya ng mga biktima ngunit tumanggi silang magbigay ng anumang detalye kaugnay dito.

Lulan ang mga biktima kasama ang 50 iba pa noong July 28, 2017 sa MV Ramil na pag-aari ni Roger Sahagun ng Dilasag, Aurora Province at ang Boat Captain ay si Mansio Dela Cruz ng Brgy. Kulasi Palanan, Isabela nang tumaob makaraang hampasin ng malalakas na alon

--Ads--

Nasawi ang tatlo, nawawala si Ronald Silva na residente ng Bataan Province habang nakaligtas ang iba pang mga pasahero makaraang mapadpad sa dalampasigang sakop ng Palanan, Isabela.