CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga otoridad ang isang waiter na may kinakaharap na kasong 2 counts od rape sa Echague, Isabela.
Pinangunahan ni P/Chief Insp. Ruben Martinez, hepe ng Echague Police Station ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa pinaghihinalaan na si Peter John Nicolas, 18 anyos, at residente ng San Fabian, Echague, Isabela.
Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela.
Nakasaad sa isa sa kanyang warrant of arrest na makakalaya lamang siya pansamantala sakaling makapaglagak ng piyansang P/200,000.00 habang ang isa pang kasong rape ay walang inilaang piyansa.
Ayon pa kay Chief Insp. Martinez, nag-ugat ang kaso ng akusado noong April 4, 2017 kung saan ang biktima ay isang menor de edad.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya si Nicolas bago ipasakamay sa court of origin.




