--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinilala na ng mga kasapi ng Ramon Police Station ang suspek na pumaslang sa isang ginang.

Nauna rito natagpuang patay na si Gng. Marites Manuel ng Rizaluna Cordon, Isabela sa masukal na bahagi ng General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo ang suspek na sinasabing texter at admirer ng ginang ay nakilalang Braulio Sabala residente ng Rizaluna m Cordon, Isabela.

Kilala din sa pangalang Alex ang suspek ng kagawad ng pulisya sa bayan ng ramon.

--Ads--

Siya ay sinampahan ng kaso matapos matukoy ng pulisya na sa kanya ang numero ng cellphone na nagpapadala ng text messages sa napatay na biktima.