--Ads--
CAUAYAN CITY – Isang ginang ang nagsumbong sa Dupax Del Sur Police Station sa lalawigan ng Nueva Vizcaya makaraang gahasain di umano ng isang magsasaka.
Ang biktima ay 45 anyos habang ang suspek ay si Mario, 48 anyos, may-asawa, kapwa residente ng Dupax Del Sur.
Ang biktima ay naglilinis umano sa garden ng suspek nang biglang dumating ang pinaghihinalaan at ginahasa ang biktima.
Sinikap ng biktima na manlaban ngunit binantaan siya ng suspek na papatayin.
--Ads--
Ang suspek ay hinahanap na ng pulisya at inihahanda na ang kasong panggagahasa laban kay Mario.




