--Ads--

CAUAYAN CITY- Umapela ang militar ng patas at balanseng resulta ng isinagawang fact finding mission ng progresibong grupo ng KARAPATAN sa Brgy. Ramos, bayan ng Nagtipunan.

Kung magugunita ay nagtungo kamakailan ang grupo sa nasabing lugar upang siyasatin ang pinakahuling engkwentro ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng pangkat.

Ayon kay Sgt. Clifford Soriano ng Civil Military Operations Office ng 5th Infantry Star Division ng Philippine Arm, kailangan ilabas ang katotohanan at hindi pawang mga paglabag ng militar sa paglabag ng karapatang pantao.

Ayon sa opisyal, dapat maging balanse ito at hindi iisang panig lamang ang tinitignan sa naturang pangyayari.

--Ads--

Kung nais umano itong gawin tama ay dapat malaman ang magkabilang panig at sa oras umano na may nilabag ang mga sundalo ay nakahanda ang kanilang pamunuan na patawan ang mga nagkasalang sundalo.