--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa umanong taga-Mindanao ang tumatayong commander ng mga kasapi ng New People’s Army na kumikilos sa lalawigan ng Quirino.

Ito umano ang ibinunyag ng nasugatang kasapi ng NPA na si Arnold Jamias sa naganap na engkwentro nitong nakalipas na linggo sa Nagtipunan, Quirino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sgt.Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade na sa kanilang pakikipag-usap kay Jamias ay inamin nito na dayuhan mula sa Mindanao ang namumuno sa kanilang grupo.

Ayon pa kay Sgt. Lopez, magaling umano sa pagsasalita ang naturang commander kaya nahikayat si Jamias na sumapi sa rebeldeng pangkat.

--Ads--

Naniniwala rin si Sgt. Lopez na umiiral ang sariling interes sa nasabing pangkat at pumapasok na lamang umano sila sa pagka-NPA upang kumita ng pera sa maling paraan.

Aniya, pawang mahirap ang mga na-recruit mula sa naturang lalawigan na siyang nagiging front line tuwing may bakbakan.