--Ads--
CAUAYAN CITY- Pinatunayan ni Chief of Police, Sr. Insp. Val Simangan na dumaan sa matinding proseso bago naideklara bilang kauna-unahang drug free municipality dito sa probinsya ng Isabela ang bayan ng Maconacon.
Ipinaliwanag niya na dumaan sa validation ng Dangerous Drug Board Regulation number 3 Series 2017 at iba pang proseso ang nasabing bayan.
Kinumpirma niya na walang transaction ng droga sa mga sampong baranggay base sa kanilang monitoring ang surveilance.
Dagdag pa ni Sr. Ins. Simangan na ang bayan ng Maconacon ay isang maayos at tahimik na bayan na pinapasyalan ng mga tourista at tatlong krimen pa lang ang naitatala sa loob ng isang taon na pagsisilbi niya bilang chief of police sa nasabing bayan.
--Ads--




