CAUAYAN CITY- Naaresto ang isang barangay kagawad ng Brgy. San Roque, Jones, Isabela sa isinagawang drug buy bust operation ng PDEA Region 2,
Provincial Police Office, at Pnp Jones.
Nakilala ang nadakip na si Garry Collado, 45 anyos, jeepney driver at brgy. kagawad sa nasabing lugar.
Nasamsam sa suspect ang dalawang plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu, 500 pesos na marked money, at cellphone na ginagamit para sa transaksiyon.
Ayon sa Jones Police Station hindi drug surrenderer si Collado bagamat kabilang ang pangalan niya sa drug watch list ng PDEA.
Una nang nasangkot sa kasong pagbebenta ng droga si collado noong taong 1995.
sa ngayon, nakahanda nang sampahan ng kaso sa pamamagitan ng inquest proceedings ang nasabing suspect dahil sa paglabag ng Republic act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).




