CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office ang isang magsasaka na may kinakaharap na kaso matapos magtago ng siyam na taon.
Pinangunahan ni P/ Chief Insp. Rolando Gatan, Station Commander ng Presinto Uno ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Joselito Velasco , 56 anyos, may-asawa at residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.
Ang warrant of arrest laban sa suspek ay ipinalabas pa noong Pebrero 2008 sa kasong swindling.
Ang nabiktima naman ng suspek ay si Romelyn Corpuz, 36 anyos, may-asawa at residente ng Malvar, Santiago City.
Nakita rin sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang isang kulay silver hyundai elantra na umanoy kanyang kinarnap sa biktimang si Corpuz.
Dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa Court Of origin.




