--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ang isang binata sa isinagawang drug buy bust operation sa barangay Mapurok, San Mateo, Isabela.

Ang dinakip ay si John Michael Dupra, 9 anyos na residente ng San Roque, San Mateo, Isabela.

Nagsagawa ang mga pulis ng buy bust operation at nakita ang suspek na nakasakay ng motorsiklo.

Ang suspek ay mayroong transaksiyon sa nagpanggap na pusher buyer na sanhi ng pagkadakip ni Dupra.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ni Dupra ang isang sachet ng hinihinalang shabu at limang daang piso.

Ang suspek ay dinala na sa Santiago City upang isailalim sa drug test.