--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ng magkasanib na puwersa ng Maddela Police Station at San Agustin Police Station ang isang karpintero dahil sa kinakaharap na kasong panggagahasa.

Ang suspek ay isang 50 anyos na residente ng San Agustin, Isabela.

Ang Mandamiyento de aresto laban sa suspek ay inilabas ni Hukom Bonifacio Ong ng Regional Trial Court Branch 24 Echague, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay sinampahan ng kasong panggagahasa ng kanyang hipag makaraang gahasain ng suspek ang sarili nitong anak.

--Ads--

Walang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Matapos iharap sa court of origin ay ipinasakamay na ang pinaghihinalaan sa BJMP Santiago City.