CAUAYAN CITY- Naging over-all champion at humakot ng parangal ang Isabela sa katatapos na Regional Science and Technology Week na isinagawa sa Cauayan City.
Sa isinagawang Regional Science and Technology Week ay sumailalim sa poster presentation,project teaching, laboratory skills assessment ang mga kalahok na mga mag-aaral mula sa dito sa Isabela, Quirino, Cagayan, Nueva Vizcaya at Lunsod ng Santiago.
Sa elementary level, Sa poster presentation ay nanguna ang Cabagan Science Elementary School sa Isabela, pumangalawa ang Solana South Central School sa Cagayan at pangatlong puwesto ang Cabarroguis Central School Integrated SPED Center sa Quirino.
Sa project teaching ay nanguna ang Solano East Central School SPED Center sa Nueva Vizcaya, pumangalawa ang Cabarroguis Central School Integrated SPED Center at pangatlo ang Cabagan Science Elementary School sa Isabela.
Habang sa laboratory skills assessment ay namayagpag ang Isabela makaraang nanguna ang Cabagan Science Elementary School, pumangalawa ang Solano East Central School SPED Center sa Nueva Vizcaya at pamangatlo ang Santiago South central School.
Sa secondary level sa kahalintulad na paligsahan ay over-all champion pa rin ang Isabela pangalawa Nueva Vizcaya at pumangatlo ang Cagayan.
Sa Junior High School Level poster presentation, ay nanguna ang Donya Aurora National High School sa Isabela; pumangalawa ang Nueva Vizcaya General Comprehensive High School habang pumangatlo ang Western Cagayan School of Arts and Trade ng Cagayan.
Sa Project teaching ay nanguna pa rin ang Donya Aurora National High School, pumangalawa ang Cagayan National High School ng Lunsod ng Tuguegarao at pumangatlo ang Western Cagayan School of arts and trade ng Cagayan
sa laboratory skills assessment ay nanguna ang Donya Aurora National High School, pumangalawa ang Nueva Vizcaya General Comprehensive High School at pumangatlo ang Cagayan National High School ng Lunsod ng Tuguegarao




