CAUAYAN CITY- Pinapurihan ni Lt.General Romeo Tanalgo, ang papaalis na Commander ng North Luzon Command ang mga star troopers sa kanyang dalawang araw na pamamaalam sa punong-himpilan ng 5th Infantry Division Phil. Army sa Upi Gamu, Isabela.
Sa dalawang araw na pananatili sa 5th ID ay binisita ni Lt. General Tanalgo ang Marag Valley , Citizens Active Auxilliary Patrol Base na isa mga pinaka-remote na para-military detachment sa ilalim ng 5th Infantry Division.
Dinalaw din niya ang 503rd Infantry Brigade sa Tabuk City gayundin ang 502nd Infantry Brigade na nakahimpil sa Echague, Isabela.
Dinalaw din ng Heneral ang 24th Infantry Batallion sa Lagangilang, Abra at ang headquarters ng Tactical Operations Group 2 Phil. Airforce na nakahimpil sa Cauayan City Airport .
Nagkaloob din si Lt. General Tanalgo ng mga Medalya sa mga karapat-dapat na star troopers dahil sa kanilang kagitingan sa Combat at gayundin ang kanilang outstanding performance of duty na nag-ambag ng mga accomplishments sa kani kanilang mga misyon sa kanilang units.
Inihayag pa ng Heneral ang kanyang paghanga sa mga kasapi ng star troopers dahil sa kanilang selfless service sa pamahalaan at sa bansa..
Anya ang kanilang mga nagampanan at kabayanihan ay nagpakita na sila ay nakakalamang pa rin laban sa mga kalaban ng estado katulad na lamang ng mga rebeldeng komunista.
Natandaan rin ng Heneral na ang 5th ID ang nakapagbigay ng pinakamaraming komunista na sumuko sa lahat ng infantry divisions ng AFP noong nakaraang taon at maaaring ngayong taon ay mamintina ng 5th ID ang nasabing karangalan.




