--Ads--

CAUAYAN CITY- Paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang inihahandang kaso ng Ilagan City Police Station laban sa isang lalaking nasamsaman ng baril habang nakikipagsayaw sa isang kasalan sa barangay Bintacan, Ilagan City.

Ang dinakip ay si Calicarpio Abloy, 41 anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar

Una rito nakatanggap ng tawag ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station na mayroon umanong isang lalaking nagsasayaw sa isang kasalan at may nakasukbit na baril sa kanyang beywang .

Agad na tumugon ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station at dinakip ang suspek.

--Ads--

Lumabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na ang suspek ay nagsasayaw na nakalitaw ang puluhan ng kanyang CAL. 45 pistol.

Dahil walang maipakitang papeles na siya ay maaaring magtaglay o magmay-ari ng nasabing baril ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.