CAUAYAN CITY- Ipinapatupad ang Community Based Rehabilitation Program sa lahat ng mga naideklarang drug cleared barangay sa hanay ng pulisya sa Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Supt. Melchor Areola, pinuno ng Police Community Relations ng Santiago City Police Office na kailangang isagawa ang Community Based Rehabilitation Program ng lahat ng mga miyembro ng Barangay Drug Abuse Council (BADAC) upang tuluyang maideklarang drug cleared sa validation ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Anya anim na buwan itong isagawa ng BADAC para sa mga sumukong drug personality at kapag natapos na ito ay kinakailangang magpasa sila ng assessment sa himpilan ng pulisya na siyang ibibigay naman sa PDEA.
Samantala, kapag mayroon namang bagong drug personality ay isasailalim nila sa oplan tokhang at kailangang sumailalim din sa Community Based Rehabilitation Program.
Mayroon nang Dalawamput anim na barangay ang idineklara sa hanay ng pulisya na drug cleared barangay sa Lunsod ng Santiago at maaaring nang isunod na ideklarang drug cleared ang iba pang mga barangay.




