--Ads--

DITO SA LUNSOD NG CAUAYAN – Tuluyan nang sinampahan ng kaso ng Cauayan City Police Station ang magkaibigan na nasamsaman ng illegal na droga sa isinagawang drug buy bust operation.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Ferdinand Datul, Chief Investigator ng Cauayan City Police Station kasong paglabag sa Republic Act 9165 (comprehensive dangerous drugst act of 2002) ang isinampa laban sa mga pinaghihinalaang sina Ronron Quiambao, 13 anyos, may-asawa, residente ng Bugallion Norte, Ramon, Isabela at Sylvester Antonio, 20 anyos, binata at residente ng Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Nauna rito ay nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station na ang dalawa ay magkakaroon ng pagbebenta ng illegal na droga sa Barangay San Fermin, Cauayan City kayat mayroong umaktong pusseur buyer.

Makaraang iabot ng mga suspek ang illegal na droga sa umaktong pusseur buyer ay dinakip na ang dalawang.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang naglalaman ng shabu at 2 piraso ng ng P/1,000.00 marked money bukod pa sa mahigit P/500.00, dalawang cellphone at motorsiklong walang plaka na ginagamit ng dalawa.

Ang dalawang suspek ay kapwa drug surrenderer sa kani-kanilang mga bayan.