CAUAYAN CITY – Nasa malubhang kalagayan at ginagamot sa isang pribadong pagamutan ang isang binata makaraang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang kotse na kulay itim sa Barangay Sillawit, Cauayan City.
Nasa kritical na kondisyon si Jerimy Padilla,18 anyos, binata, isang helper na residente ng Sillawit, Cauayan City makaraang magtamo ng matinding sugat sa ulo at paa.
Minamaeho ni Padilla ang kanyang motorsiklo pauwi na sa Sillawit nang mabunggo ng isang kotse na may plakang UDZ 989 na minamaneho ni Larry Estuista, 34 anyos na residente ng Nungnungan 2, Cauayan City
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lango sa alak ang biktimang si Padilla maging ang tsuper ng kotse na kanyang nakabanggaan.
Nadamay din na nabangga ng tsuper ng kotse ang motorsiklong minamaneho ni Domeng Adriano ng paddad, Alicia, Isabela na nagtamo ng sugat sa paa.




