--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pagkain kundi mga gadgets ang ninanakaw ngayon ng ilang mapagsamantala sa Houston,Texas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Rusyl Constantino Clark na hindi tulad dito sa Pilipinas na kapag nagkakaroon ng nakawan sa panahon ng kalamidad ay pagkain ang pangunahing ninakaw sa Texas ay mga mamahalIng gadgets ang mga ninanakaw.

Pinapasok anya ng mga magnanakaw ang mga malalaking kompanyang pang-telekomunikasyon upang makapagnakaw ng mga cellphone at computers.

Inihayag naman ni Ginang Clark na maaaring makulong ng dalawampong taon o habambuhay na pagkakakulong ang sinumang mahuhuling magnakaw sa nasabing estado.

--Ads--

Iba anya ang kanilang batas dahil karamihang pamilya sa Texas ay mayroong taglay na baril.

Kapag mayroon anyang aali-aligid sa dis-oras ng gabi sa bahay ay maaaring barilin at kapag napatay ay absuwelto ka sa batas.