--Ads--
CAUAYAN CITY- Naaresto ang isang akusado ay pang-anim sa listahan ng mga wanted person sa city level sa Ilagan City.
Ang nadakip ay si Randolph Raul Claraval, 25 anyos, binata at residente ng alibagu ilagan city.
Isilbi ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station ang mandamiento de aresto laban sa akusado na nagbunga ng kanyang pagkakadakip.
Ang akusado ay sangkot sa panggagahasa at dahil mabigat ang kanyang kinakaharap na kaso ay walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya.
--Ads--




