CAUAYAN CITY – Nadakip ng pulisya ang isang security guard sa isang videoke bar dahil sa pag-iingat nito ng hindi dokumentadong baril sa Reina Mercedes, Isabela.
Ang suspek ay si Roel Telan,42 anyos at residente ng Gamu, Isabela.
Ayon sa pulisya, ang pinaghihinalaan ay umiinom subalit nang malasing ay bigla niyang inilbas ang isang trentay otsong baril na walang kaukulang lisensya.
Ipinagyabang din umano niya ang hawak na baril sa may-ari ng videoke na siyang nakipag-ugnayan sa mga pulis.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Senior Insp. Bruno Palattao, hepe ng reina mercedez PNP, sinabi niya na si Telan ay matagal na nilang sinusubaybayan dahil sa pag-iingat ng baril.
Kasong paglabag sa RA 10591 (illigal possesion of firearms) ang isasampang kaso laban sa suspek.




