CAUAYAN CITY- Umaabot sa 1,114 board feet na nilagareng kahoy ang nakasamsam ng mga kasapi ng Jones Police Station, mga sundalo at DENR sa barangay Dibuluan, Jones, Isabela.
Ang mga kahoy ay isinakay sa forward truck na minamaneho ni Mark Anthony Teodola ,25 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng brgy. Dumawing, Jones, Isabela
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Samuel Lopez, hepe ng Jones Police Station nasabat ng mga kasapi ng 77th Infantry Batallion na nakahimpil sa Jones , Isabela sa kanilang checkpoint ang mga kahoy na isinakay sa forward truck
Agad na ipinagbigay alam ni Technical Sgt. Benjamin Lopez ng 77th IB sa Jones Police Station ang nasabat na forward truck na naglalaman ng 66 piraso ng asssorted common hardwood na kanilang tinugunan.
Kinasuhan si Mark Anthony Teodola dahil sa pagbibiyahe ng walang kaukulang papeles na mga nilagareng kahoy ngunit nakapagpiyansa ng P/20,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang mga nasamsam na kahoy ay ipinasakamay na sa Department of Environment and Narural Resources Office sa San Isdiro, Isabela




