CAUAYAN CITY – Pagpapaliwanagin ng Department of Education (DepED) Isabela ang isang paaralan sa Cabagan, Isabela na nagkansela ng pasok matapos matanggap ang pekeng balita.
Hindi na tinukoy ang nasabing eskwelahan subalit nasulatan na umano nila ang school head na nabiktima ng fake news.
Nauna rito ay pinulong ng provincial government ng Isabela ang ilang opisyal ng DepED-Isabela.
Ito ay para talakayin ang kumalat na impormasyon kahapon na umano’y nagsuspinde ng klase sa Isabela dahil sa sama ng panahon.
Sa ecklusibing panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jessie Amin, ang Schools Division Supt. ng DepED Isabela, inihayag niya na mayroon silang sistema na sinusunod sakaling nakatanggap siya ng order of suspension mula sa Provincila Government ng Isabela.
Sinabi niya na mayroon silang facebook page na ang mga kasapi ay mga school head ng DepED sa Isabela.
Ito aniya ang kanilang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga paaralan sakaling may abiso o suspensyon ng klase.




